Ipinasisilip ni Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera sa Kamara de Representantes ang negosasyon sa pagitan ng gobyerno, Maynilad Inc., at Manila Water Inc. para sa bagong concession agreements (CAs) sa suplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig-lugar.

Inihain ni Herrera ang House Resolution 1664 at hiniling na magsagawa ng congressional review ang House Committees on Government Enterprises and Privatization at on Good Government and Public Accountability at iba pang komite.

“In the interest of ensuring the best services for the Filipino people, and to further avoid any onerous contractual situations with the concessionaires, further consultation and good governance oversight must be conducted prior to the approval and signing of the new drafts,” saad ng resolusyon.

Ayon kay Herrera mayroong nadiskubreng butas sa CAs ang Kamara sa isinagawa nitong imbestigasyon noong 15th Congress.

“Over the years, numerous issues arose and were made public by well-intentioned sources and whistleblowers, whereby it was revealed that, among others, the Concessionaires increased rates at an exponential rate basing on a flawed rate rebasing scheme and other factors all to the detriment of the consumers,” ani Herrera.

Nakita umano sa imbestigasyon ang pagpasa ng mga concessionaires sa ga gastos nito sa mga kustomer gaya ng biyahe at sponsorship sa basketball team.

“Thanks to President Duterte that this has been given merit and attention. We are hopeful that the good justice secretary will take into considerations our recommendations,” dagdag pa ng lady solon.

Umaasa si Herrera na ipapasok ng Department of Justice sa bagong CAs ang mga rekomendasyon mula sa mga nagdaang pagdinig gaya ng pagsasagawa ng Commission on Audit ng audit sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at mga concessionaires nito, paglalagay sa escrow account ng sobrang siningil ng mga concessionaires at pagbabawal ng advance collection sa mga kustomer para sa mga proyektong nais nitong gawin sa hinaharap.

Noong Nobyembre 2020 ay inanunsyo ni Justice Sec. Menardo Guevarra na pinaboran nito ang CAs na ipakikita sa Maynilad at Manila Water.

“Over the years, numerous issues arose and were made public by well-intentioned sources and whistleblowers, whereby it was revealed that, among others, the Concessionaires increased rates at an exponential rate basing on a flawed rate rebasing scheme and other factors all to the detriment of the consumers,” dagdag pa ni Herrera.

The post Negosasyon ng gobyerno, Manila Water, Maynilad pinasisilip first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/negosasyon-ng-gobyerno-manila-water-maynilad-pinasisilip/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=negosasyon-ng-gobyerno-manila-water-maynilad-pinasisilip)