Sabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang “no vaccine, no work” policy ng ilang mga kompanya sa bansa ay “ilegal” at posibleng maituring na “diskriminasyon.”

“‘Yung ‘no vaccine, no work,’ illegal ‘yan. Bawal ‘yan,” wika ng kalihim sa isang panayam, Huwebes.

Giniit ni Bello na hindi pwedeng pilitin ang mga empleyado na magpabakuna kontra COVID-19 kung ayaw naman nila.

“Kaya wala pong ganyang patakaran. Kung sino man ‘yung employer na gumagawa niyan, alam niya na mali ang ginagawa niya,” aniya pa.

Lumitaw ang “no vaccine, no work” matapos ipabatid ng ilang manggagawa ng mga sektor ng agrikultura, pagmamanupaktura at serbisyo sa Associated Labor Union (ALU) ang naturang polisiya.

Ayon sa ALU, karamihan sa mga natanggap nilang reklamo ay mula sa mga hotel, restaurant at BPO employees.

The post ‘No vaccine, no work’ ilegal – Bello first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/no-vaccine-no-work-ilegal-bello/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=no-vaccine-no-work-ilegal-bello)