Pinuri nang isang obispo sa Novaliches si Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa kampanya nito laban sa katiwalian at kurapsyon.

Sa isang pahayag, pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Teodoro Bacani Jr. ang publiko na bumoto ng mga lider na karapat-dapat ihalal sa gobyerno.

Aniya, dapat mamuno ang mga opisyal tulad nang ginagawa ni Sotto.

“Salamat sa Diyos may mga tao tayo ngayon na lumilitaw na katulad niyan, katulad ni Mayor [Vico] Sotto diyan sa Pasig na natutuwa naman ako kinikilala pati ng mga tao sa ibang bansa katulad ng Estados Unidos,” sambit niya.

Kaugnay ito sa pagkakabilang ng alkalde sa listahan ng 12-indibidwal na kinilala ng US Department of State bilang mga ‘International Anticorruption Champion.’

‘Sana hindi exemption yan yung mga tao na katulad niyan na namamahala ng mabuti yan ang susuportahan ng mga tao at kapag may nakikita tayong mga magagaling na pulitiko bigyan natin yan ng suporta,” dagdag pa niya.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/vico-sotto-kinilalang-anti-korap-ng-us/

The post Obispo pinuri si Vico Sotto first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/obispo-pinuri-si-vico-sotto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=obispo-pinuri-si-vico-sotto)