Mula sa 6,000 na taya ay posible nang pumalo sa 11,000 ang maiulat na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa bawat araw sa dulo ng Marso 2021.

Ayon kay Prof. Guido David ng OCTA research group, may upward trend kasi ng mga impeksiyon sa bansa.

Tumaas aniya ang reproduction number sa 2.03. Nangangahulugan itong ang kada isang coronavirus-positive na pasyente ay pwedeng makahawa ng dalawa pang tao.

“It’s now above 2, and what that means is we have to recalculate again the trends,” ani David sa ANC, Martes

“Right now, the numbers… have been upped to about 10,000 to 11,000 [daily new cases] by the end of this month, unfortunately,” dagdag niya.

Sinabi rin ng propesor na inasahan ng isang OCTA Research fellow na ang bed occupancy ng COVID-19 intensive care unit (ICU) sa Metro Manila ay papalo sa 70% sa katapusan din ng Marso.

The post OCTA: Bagong Covid case baka pumalo sa 11K kada araw first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/octa-bagong-covid-case-baka-pumalo-sa-11k-kada-araw/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=octa-bagong-covid-case-baka-pumalo-sa-11k-kada-araw)