Minungkahi ng OCTA Research Group na gawing prayoridad ang National Capital Region (NCR) sa pagbabakuna ng gobyerno laban sa COVID-19.

Ito’y dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso sa Metro Manila, na tinataya ni Dr. Guido David na posibleng umabot sa 4,000 case kada araw pagsapit ng pagtatapos ng Marso.

“Limited ‘yung vaccine rollout natin, ang recommendation sana natin ma-priority natin ‘yung NCR kasi nandito naman talaga ‘yung center,” saad ni David sa panayam ng DZBB.

Aniya, mas mapababagal ang pagkalat ng coronavirus kung aabot sa pito hanggang walong milyong residente sa NCR ang mabakunahan laban sa COVID-19.

Sa case bulletin ng Department of Health nitong Miyerkoles, aabot na sa 61,733 ang aktibong kaso ng COVID-19.

At sa nakalipas na 14 araw, sumirit sa 25,359 ang naitalang bagong kaso sa Metro Manila.

The post OCTA: COVID bakuna ibuhos muna sa Metro Manila first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/octa-covid-bakuna-ibuhos-muna-sa-metro-manila/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=octa-covid-bakuna-ibuhos-muna-sa-metro-manila)