Bahagyang bumagal ang reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila ayon sa OCTA Research group.

Sa numero ng mga dalubhasa, mula 1.99 ay naitakda sa 1.91 ang reproduction ng new coronavirus,

Hindi pa naman masasabi kung ang pagbagal ng reproduction rate ng virus ay dahil sa pinatupad na NCR plus bubble, kung saan hindi maaring makapasok at makalabas sa mga lugar ng Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal.

“It is too early to tell if this is the beginning of a hoped-for downward trend in the reproduction number, given that the NCR was placed under the GCQ bubble,” ayon sa OCTA Research.

Nitong Miyerkoles ay 6,666 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, dahilan para maabot ang 91,754 active case, ang pinakamataas buhat nang magsimula ang pandemya sa bansa.

The post OCTA Research: Pagkalat ng COVID sa Metro Manila, bumagal first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/octa-research-pagkalat-ng-covid-sa-metro-manila-bumagal/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=octa-research-pagkalat-ng-covid-sa-metro-manila-bumagal)