Magiging compassionate umano ang otoridad sa pagpapatupad ng curfew sa NCR Plus habang nakasailalim ito sa enhanced community quarantine.

Magugunitang mula Marso 29 hanggang Abril 4 ay nasa ECQ bubble ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan, at Rizal para maawat ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19.

Ipatutupad ang curfew na mula alas-6 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga sa NCR Plus sa panahong iyon.

“We will be compassionate for those on their way home. Kaya lang, may window po ‘yan. (Mula) 7:30 to 8 (p.m.), maghihigpit na po ‘yan,” wika ni National Task Force Against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla sa ABS-CBN’s TeleRadyo, Linggo.

“Ang buod lang po talaga sa pagsasagawa ng paghihigpit na ito ay upang maiwasan yung tagal ng panahon na maraming tao ay nagkakahalubilo, kasi dun ang panahon na nagkakaroon ng transmisyon,” dagdag pa niya.

Ayon sa Palasyo, sa ECQ period ay pagbabawalang lumabas ang mga edad 17 pababa at 66 pataas.

Samantala, required na magpakita ng company ID at travel pass ang mga essential worker sa naturang panahon.

The post ‘Otoridad magiging ‘compassionate’ sa curfew’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/otoridad-magiging-compassionate-sa-curfew/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=otoridad-magiging-compassionate-sa-curfew)