Nilantad ni Gilas program director Tab Baldwin kung ano nga ba ang status ni Chris McCullough pagdating sa naturalization sa Philippine national team.

Sa ekslusibong panayam ng ‘Sportalakan’ sa Abante News Online, sinabi ni Tab na wala siyang alam sa mga dating tweet ng ex-NBA player na dating nilahad na tila may ‘naglalaro’ umano sa kanyang naturalization.

Ayon kay Baldwin, bagama’t kasali sa usapan ng mga potential na naturalized player si McCullough, wala pa rin ito sa listahan ng mga prayoridad nila para irepresenta ang Pilipinas.

“Chris has been in discussions, but in the immediate group of players we are considering right now, he is not in that list,” saad ni Baldwin.

Aniya, dapat ay isipin ng mga Gilas fan kung bakit isang manlalaro tulad ni Angelo Kouame ang kanilang kinuha para maintindihan kung bakit hindi napasama si McCullough sa kanilang priority.

“A player like Ange — if we were to categorize him — is an excellent rebounder, rim protector and defensive oriented player,” ayon sa Gilas program director.

“We would see that the Philippines is a nation of basketball players that tends towards offensive excellence, we’re not really known as a defensive powerhouse,” aniya pa.

Paliwanag ni Baldwin, ang manlalarong tulad ni McCullough na kilala sa kanyang scoring ay magiging kaagaw lang ng bola ng iba pang magagaling na local scorer.

“When we have players like Matthew Wright, Roger Pogoy, Ray Parks, all of these outstanding offensive players, why would be bring a player in that would bring the ball out of their hands?” sambit ni coach Tab.

Isa si McCullough sa mga nagpahayag ng kagustuhang maging naturalized player ng Gilas matapos maging import at magkampeon sa San Miguel Beermen.

The post Out sa Gilas priority! McCullough agaw bola kina Wright, Parks, Pogoy first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/out-sa-gilas-priority-mccullough-magiging-kaagaw-sa-bola-nina-wright-parks-pogoy1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=out-sa-gilas-priority-mccullough-magiging-kaagaw-sa-bola-nina-wright-parks-pogoy1)