Nasolo ng isang mananaya ang P24 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola kagabi, Marso 14.

Ayon sa PCSO, Lunes, tumaya ang lone bettor sa isang outlet sa Himamaylan, Negros Occidental.

Natumpak niya ang winning combination na 49-46-25-42-39-37 na may jackpot prize na P24,110,508.40.

Binobola ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

The post P24M lotto jackpot sinolo ng mananaya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p24m-lotto-jackpot-sinolo-ng-mananaya/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p24m-lotto-jackpot-sinolo-ng-mananaya)