Hindi pa masabi ng mga eksperto mula sa Department of Health (DOH) ang karakter ng bagong P3 Covid variant mula sa isang pasaherong nanggaling sa Pilipinas na nakita sa Japan.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Dr. Anna Lisa -Ong Lim ng DOH Technical Working Group na wala pa silang sapat na impormasyon dahil inoobserbahan pa lamang nila ang epekto nito sa isang tao.

Aalamin din aniya nila kung may kinalaman ang P3 variant sa naging pagtaas ng COVID cases sa bansa nitong nakalipas na linggo pati na rin sa mga namatay sa sakit.

“Sa ngayon wala pa tayong sapat na datos para sabihin kung mas nakakahawa ba siya, mas nakakapagpalala ng sakit o may association with higher mortality rates,” ani Dr. Lim.

Kasama sa inaalam nila ang pagtukoy kung saang lugar ng Pilipinas nakita ang variant.

Kasabay nito sinabi ni Dr. Lim na ayaw nilang tawaging Philippine variant o PHL variant ang bagong uri ng virus dahil hindi aniya practice sa kagawaran ang pagbansag sa mga virus sa isang lugar.

“I’d like to establish the proper way to call this. This is the P3 variant , we want to do away nga with referring to this as a Phl variant or the Philippine variant kasi nga hindi acceptable practice ang ganoon na we assign names, we are trying to be away from that,” dagdag ni Lim.

The post P3 variant hindi pa sigurado bagsik nito – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p3-variant-hindi-pa-sigurado-bagsik-nito-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p3-variant-hindi-pa-sigurado-bagsik-nito-doh)