Libo-libong ecstasy tablet na nagkakahalaga ng P5 milyon ang nakita sa isang package mula Germany.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC) nitong Sabado, itinago ang kontrabando sa loob ng mga orthopedic jelly shoe, flexible led mirror, dust buster, hand mixer at birdhouse display.

Nang idaan sa physical examination ay lumantad na naglalaman ang package ng 3,100 sari-saring tableta ng ecstasy na P5.270 milyon ang tinatayang halaga.

Ipinadala ito sa Pilipinas sa pamamagitan ng Port of Manila.

Noong Huwebes isinagawa ang controlled delivery upang madakip ang taong sangkot sa package sa Dau, Mabalacat, Pampanga.

Doon naaresto ang isang Agatha Lavadia Palen na siyang nag-claim sa package na naka-consign sa isang Zhyelle Marquez Ancheta.

The post P5M ecstasy nadiskubre sa package mula Germany first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p5m-ecstasy-nadiskubre-sa-package-mula-germany/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p5m-ecstasy-nadiskubre-sa-package-mula-germany)