Pinalagan ng United Nations International Children’s Emergency Fund ang desisyon ng mga Metro Manila mayor na huwag munang palabasin ng bahay ang mga menor de edad habang dumarami ang mga kaso ng COVID-19.

Maituturing anilang paglabag sa karapatan ng mga bata itong hakbang ng mga alkalde.

“The recent decision of the Metro Manila Council (MMC), through the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), to explicitly prohibit minors from going outside for a period of two weeks, in a bid to contain the transmission of the virus in the metropolis, can be considered an infringement of children’s rights,” saad ng Unicef Philippines sa kanilang pahayag, Marso 19.

Pinunto ng Unicef PH na ang mga anti-coronavirus effort ng gobyerno “should respond to the best interest of the child; should not cause further harm; and should always consider the preservation of the child’s wellbeing and dignity.”

Habang patuloy anilang naaapektuhan ng pandemya ang mga komunidad, dapat makahanap anila ang pamahalaan ng paraan para mas mabuti itong mapangasiwaan.

“Children and their communities should be consulted and an evidence-based rationale for measures that affect them, should be developed and communicated transparently,” ayon sa Unicef PH.

“We need to take into full account the needs and rights of children, while we continue to protect them and all members of the public, from the increased risk of COVID-19 infections,” dagdag nito.

Alinsunod anila sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF), hinimok din ng Unicef ang MMC na mag-isyu ng resolusyon na nagsasaad na “in order to take the best interest of the child into account,” papayagang makapaglaro ng non-contact sports at makapag-physical exercise ang mga bata sa lahat ng age groups basta susunod sa public health measures gaya ng social distancing at pagsusuot ng mask.

The post Pag-lockdown sa mga bata labag sa karapatan nila – Unicef first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pag-lockdown-sa-mga-bata-labag-sa-karapatan-nila-unicef/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pag-lockdown-sa-mga-bata-labag-sa-karapatan-nila-unicef)