May nakikitang opsyon ang OCTA Research para mapahupa ang pagsirit ng COVID-19 cases sa Metro Manila sakaling hindi umubra ang “NCR plus” bubble na ipinatupad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Sa Laging Handa press briefing, iminungkahi ni Professor Ranjit Rye na maaaring magpatupad ang IATF ng soft modified enhanced community quarantine o MECQ.

Sa iallim ng soft MECQ ani Rye ay bukas pa rin ang eknomiya subalit mangingibabaw ang ibayong pag-iingat para sa lahat ng mamamayan para maiwasan ang hawaan at pagkapuno ng mga ospital.

“Yung aming pinropose ay soft MECQ na bukas ang mga businesses, may transportation at makakapasok yung mga arawan nating mga kababayan. Yun ay ano lang , last resort natin lag hindi nagwork itong interventions ng gobyerno,” ani Rye.

May natitira pang mahigit isang linggo sa ipinatupad aniyang NCR plus bubble kaya tingnan muna kung ano ang magiging resulta nito sa datos ng COVID cases.

“Pataas pa po ang kaso natin sa NCR. May momentum na kasi siya eh, hintayin natin ng ilang araw, let’s give the bubble a chance ,” dagdag ni Rye.

Umaasa aniya ang OCTA Research na makikipagtulungan ang publiko at muling umiral ang bayanihan para bumaba ang COVID cases dahil ang gobyerno at taong bayan ang parehong naaapektuhan sa mabilis na pagkalat ng COVID-19.

“Ipinagdarasal natin no, sa bayanihan para bakasakaling mag-work ito para hindi mapuno ang ating mga hospital at ma-lessen ang hawaan,” wika pa ni Rye.

The post ‘Pag pumalpak NCR plus bubble, ‘soft MECQ’ ilunsad – OCTA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pag-pumalpak-ncr-plus-bubble-soft-mecq-ilunsad-octa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pag-pumalpak-ncr-plus-bubble-soft-mecq-ilunsad-octa)