Ayon sa Department of Tourism, pwede mag-rebook nang walang dagdag na bayad ang mga turista mula sa “NCR plus” ng kanilang bakasyon para sana sa Semana Santa.

Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang “NCR plus” ay binubuo ng National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

“Nakausap ko na ang lahat ng airlines, sinabi naman nila pwede mag-rebook nang walang penalty. Ang hotel and restaurant associations, pwede mag-rebook nang walang penalty,” banggit ni DOT Secretary Bernadette-Romulo Puyat sa ABS-CBN, Lunes.

Pwede rin aniya ang staycation sa loob ng NCR plus pero para lang sa mga edad 15 hanggang 65.

Nakasailalim ang NCR plus sa mas mahigpit na general community quarantine mula ngayong Marso 22 hanggang Abril 4 dahil sa pagsirit ng mga kaso ng COVID-19.

The post Pag-rebook ng ‘NCR plus’ tourists walang bayad – DOT first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pag-rebook-ng-ncr-plus-tourists-walang-bayad-dot/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pag-rebook-ng-ncr-plus-tourists-walang-bayad-dot)