Nagbigay-abiso sa madla ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration hinggil sa mga hindi awtorisadong indibidwal na nagpapanggap na opisyal ng ahensiya para makahingi ng pera.

Sa kanilang advisory, sinabi ng ahensiya na nakatanggap sila ng ulat kung saan may nag-send ng e-mail sa isang contractor na nagpapanggap na opisyal ng Pagasa at humihingi ng donasyon para sa isang foundation.

“We do not tolerate and detest that misrepresentation,” banggit ng Pagasa.

“Please be advised that no individuals or organization are authorized to use the name of PAGASA, its officials and employees for a favor,” dagdag nito.

Hiniling din nila sa sinumang makatatanggap ng kaparehong mail, e-mail o tawag na agad na mag-report sa PAGASA Public Information Unit sa telephone number na 8284-0800 local 102 hanggang 103 o mag-email sa information@pagasa.dost.gov.ph.

The post PAGASA nagbabala vs. scammer first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagasa-nagbabala-vs-scammer/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagasa-nagbabala-vs-scammer)