Inaasahang matatapos ang pagbabakuna kontra coronavirus disease sa lahat ng mga healthcare worker sa Pasay City ngayong araw, Marso 23.

Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na naturukan na ng mga bakuna na gawa ng Sinovac at AstraZeneca ang 97 porsiyento ng mga nagtatrabaho sa mga ospital, barangay health center, at barangay health emergency response teams. Katumbas ito ng 4,237 medical frontliners.

Napaulat na nabibigyang-bakuna ng Pasay ang 200 katao kada araw simula nang mag-umpisa ang kanilang turukan ngayon ding buwan.

Lampas 130 health workers na lang ang hindi pa nababakunahan sa lungsod, na inaasahang matuturukan ngayong Martes.

The post ‘Pagbabakuna sa Pasay health workers matatapos ngayong araw’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagbabakuna-sa-pasay-health-workers-matatapos-ngayong-araw/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagbabakuna-sa-pasay-health-workers-matatapos-ngayong-araw)