Pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para makapagpatawag ng plebisito ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng paghati sa unang distrito ng Caloocan.

Pumayag ang Kamara de Representantes sa pag-amyendang ginawa ng Senado kaya hindi na ito daraan sa bicameral conference committee meeting.

Si Rep. Dale ‘Along’ Malapitan ang representante ng unang distrito ng lungsod na magiging una at ikatlong legislative district.

Ayon kay Malapitan noong 1986 pa dalawa ang distrito ng Caloocan. Marami na umanong nagbago mula noon kaya dapat nang dagdagan ang distrito ng lungsod upang mas mapaglingkuran ang mga residente nito.

Sa kasalukuyan ang unang distrito ay binubuo ng 70 barangay at pawang nasa hilaga ng EDSA at ang ikalawang distrito ay binubuo ng 177 barangay na nasa timog naman ng EDSA.

Umaabot sa 1.583 milyon ang populasyon ng lungsod batay sa survey noong 2015 at 1.193 milyon ay nasa unang distrito.

“The latest information on the population census of the city therefore impress a case of disproportion in the city’s entitlement for proportionate representation in the House of Representatives since the current assignment of seats therefor does not augurs well with the intent and established standards set forth in the 1987 Constitution,” ani Malapitan.

Sa ilalim ng panukala, ang magiging bagong unang distrito ay bubuohin ng Barangay 1, 2, 3, 4, 77, 78, 79, 80, 81, 82, 83, 84, 85, 132, hanggang 177.

Ang ikatlong distrito naman ay Barangay 178 hanggang 188.
.

The post Paghati sa distrito ng Caloocan tinapos na ng Kongreso first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/paghati-sa-distrito-ng-caloocan-tinapos-na-ng-kongreso/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=paghati-sa-distrito-ng-caloocan-tinapos-na-ng-kongreso)