Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa mga kapwa nito mambabatas na madaliin ang pagpasa ng isang panukalala na magbibigay proteksiyon sa mga bata mula sa online sexual exploitation na laganap sa panahon ng COVID-19 pandemic.

“It’s time to end this online sexual exploitation of children (OSEC),” pahayag ni Hontiveros, patungkol sa Senate Bill No. 2068 o Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children or Anti-OSAEC law.

“Let’s continue to fight for our children and our youth. The world should know their innocence is not for sale,” dagdag pa ng chairm ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

Ayon kay Hontiveros, bago pa umangat ang teknolohiya, naging destinasyon na ang Pilipinas ng mga sexual offend na ang target ay mga kababaihang mga Pinoy at mga bata.

“Social media and the Internet aggravated this problem…we should find ways to solve the root cause of this problem: poverty. Nobody would be forced to sell their children if these people have access to livelihood and decent jobs, ” sabi ni Hontiveros.

“This Women’s Month, we offer this proposed law for our women, especially our young women who continue to become victims of violence and abuse,” saad pa nito.

Pangunahing layunin ng panukala ang amiyendahan ang Anti-Child Pornography Act of 2009 at Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

“These existing laws do not capture the extraordinary features of OSAEC since they do not address the need to protect young people from sexual online exploitation done through the Internet,” ani Hontiveros.

Sa ilalim ng panukala, layunin nito na maparusahan ang mga sinumang mags-subscribe, sasali o susuporta sa internet address na nagho-host ng oSAEC content; at ang mga nag-hire, nag-employ o nagbabayad sa facilitator para ipara ipakalat ang seksuwal na pag-abuso sa mga bata.

The post Pagpasa ng sexual exploitation bill apurahin na – Hontiveros first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagpasa-ng-sexual-exploitation-bill-apurahin-na-hontiveros/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagpasa-ng-sexual-exploitation-bill-apurahin-na-hontiveros)