Nanawagan si Senador Leila de Lima na imbestigahan ng Senado ang pag-atake at pagpatay sa mga local chief executive sa bansa, kabilang ang insidente ng pamamaslang kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino.

Sa Senate Resolution No. 683, sinabi ni De Lima na kailangang makita ang kakulangan sa law enforcement, hustisya sa lahat ng biktima at pagtapos sa culture of impunity, lalo sa mga law enforcement agency.

“The killing of Mayor Ronaldo Aquino is but the latest local official to fall victim to the spate of killings committed against local chief executives across the country,” sabi ni De Lima, kilalang human rights defender.

“The series of extrajudicial killings waged against local chief executives and the subsequent failure of the government to take meaningful action to give justice to the victims are part of a pattern of and systematic violations of human rights in the country, including by state agents,” dagdag nito.

Si Aquino at dalawa nitong kasama ay napatay noong Marso 8 na nauna nang napaulat na ambush subalit iginiit ng Philippine National Police (PNP) kalaunanan n shoot ang nangyari sa pagitan ng mga pulis at mga bat ani mahyor.

Subalit kinontra ni Samar 1st District Representative Edgar Mary Sarmiento ang pahayag ng PNP na ang mga escort ni Aquino ang naunang nagpapautok na nakabuntoto noonsa kanilang sasakyan.

Sabi ni Sarmiento, nag-aabang na umano noong ang mga pulis sa pagdating ng sasakyan ni Aquino sa Laboyao Bridge sa Barangay Lonoy, Calbayog City bago nangyari ang insidente.

Napaulat din na sinabi ng mga saksi na nagsimula ang insidente nang paulanan ng putok ng mga pulis ang sasakyan ni Aquino.

“This bloody incident is not the first of its kind,” sabi ni De Lima. Ang pagkamatay aniya ni De lIma ay 25 sa bilang ng mga mahyor at vice maor na napaay sapul pa noong 2016.

“The events of the past few years have shown that the police under this administration have all but eliminated peaceful surrender of anyone that they unilaterally and unlawfully determined to be their enemies… Until when will our people remain silent against these abuses?” sabi pa nito.

The post Pagpatay sa Calbayog mayor pinasisiyasat first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagpatay-sa-calbayog-mayor-pinasisiyasat/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagpatay-sa-calbayog-mayor-pinasisiyasat)