Posible nang magpapasok ng mga turista sa Palaui Island Protected Landscape and Seascape sa lalong madaling panahon.

Sa ngayon, binubuo pa ng Protected Area Management Board ang magiging guidelines sa nasabing tourist spot bago ito pahintulutang buksan, ayon kay DENR-Cagayan Valley director Gwendolyn Bambalan.

Kabilang sa mga panukalang ilagay sa guidelines ang pagbabawas sa bilang ng mga biyaherong papunta sa isla, at sa mga pwedeng isakay na pasahero sa mga bangka patungo sa bayan ng Santa Ana sa Cagayan.

“We want to make all the necessary preparations [before allowing tourists back to Palaui]. We want the tourism industry to recover and to help local residents bounce back,” ayon pa kay Bambalan.

Isang taon nang walang bisita ang Palaui, mula nang i-lockdown ng pamahalaan ang Luzon bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.

The post Palaui Island balak buksan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/palaui-island-balak-buksan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=palaui-island-balak-buksan)