Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukalang pagpapangalan ng Terminal 1 at 2 ng Mactan-Cebu International Airport kay Lapu-Lapu.

Ang House Bill 8986 ay inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting sa sesyon noong Martes.

Ang pagpapalit ng pangalan ng mga terminal sunod sa pangalan ng “brave and fearless chieftain” ay bahagi ng pagdiriwang ng quincentennial anniversary ng panalo ni Lapu-Lapu laban sa mga Espanyol na pinamumunuan ni Ferdinand Magellan sa Battle of Mactan noong Abril 27, 1521.

The post Pangalan ng airport terminal isusunod kay Lapu-Lapu first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pangalan-ng-airport-terminal-isusunod-kay-lapu-lapu/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pangalan-ng-airport-terminal-isusunod-kay-lapu-lapu)