Ang problema ng bansa ay ang COVID-19 at hindi si Vice President Leni Robredo, ayon kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

“Covid ang problema, hindi si VP Leni. Simula’t simula pa, siya nga ang walang pagod sa kakatulong at kakahanap ng solusyon sa pesteng Covid,” pahayag ni Pangilinan sa isang statement.

“Tularan na lang kaya nila si VP, tutukan nang husto ang pagsugpo sa Covid para hindi tayo kulelat sa buong Asya,” dagdag pa nito.

Ginawa ni Pangilinan ang reaksiyon kasunod nang bagong banat ni Panguong Rodrigo Duterte kay Robredo.

“Eye on the ball, ‘ika nga. Ang letrang V na dapat tutukan ay ang virus at hindi ang VP,” sabi ni Pangilinan.

Sina Robredo at Pangilinan ang pangunahing lider ng Liberak party, bilang chairperson at presidente, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Sa kanyang speech noong Lunes, inakusahan ni Duterte si Robredo na pinapainan siya para magsalita tungkol sa COVID-19 vaccine bukod sa pagsuspetsa na nabakunahan na ito noong nagdaang taon kasama ang ilang military.

“You seem to have an angel face but a devilish mind. Ang duda mo kasi tapos na ako kaya you want me to go into a trap of saying things which are not appropriate. ‘Yan ang mahirap sa’yo,” pahayag ng Pangulo.

The post Pangilinan: COVID-19 problema ng bansa, hindi si Robredo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pangilinan-covid-19-problema-ng-bansa-hindi-si-robredo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pangilinan-covid-19-problema-ng-bansa-hindi-si-robredo)