Natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang PhilID, ang national identification card sa ilalim ng Philippine Identification System (Philsys).

Batay sa inilabas na photo release ng Palasyo, ang national ID ng Pangulo ay ibinigay mismo ni National Economic and Development Authority acting Secretary Karl Kendrick Chua noong Miyerkules, March 3,2021 sa MalacaƱang.

Matatandaang January 21, 2021 nang magparehistro ang Pangulo sa Phylsys alinsunod sa Republic Act 11055 o ang Phylsys Act na nagtatakda ng National ID bilang valid proof ng pagkakilanlan para sa lahat ng Pilipino at resident aliens.

Ang Philippine Identification o PHilID ay ibibigay ng libre ng gobyerno para ito na lamang ang gagamiting ID sa lahat ng transaksiyon sa gobyerno.

Gayonman, hindi ito gamiting pamalit sa pasaporte, driver’s license o UMID ID.

Ang national ID ang magiging valid proof of identity ng isang Pilipino para mapabilis ang transaksiyon sa gobyerno o sa pribado mang transaksiyon, pagpapatala sa paaralan at maging sa pagbubukas ng bank accounts.

Target ng gobyerno ang 50 million registrants bago matapos ang 2021.

The post Pangulong Duterte mayroon ng national ID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pangulong-duterte-mayroon-ng-national-id/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pangulong-duterte-mayroon-ng-national-id)