Hinimok ni Quezon City 2nd District Rep. Precious Hipolito ang gobyerno na gawing libre ang buwis para sa mga kompanya na balak mag-import ng COVID-19 vaccine.

Saad ni Castelo, ito lamang ang paraan para magkaroon ng herd immunity sa bansa, kung saan kinakailangang makapagbakuna ng 70 milyong Pinoy.

“This is the only way the government can speed up vaccination and attain its goal of achieving herd immunity this year by inoculating at least 70 million of the country’s more than 100-million population,” ayon sa statement ng Kongresista.

Nilarawan pa ng mambabatas na kasing bagal ng suso ang takbo ng vaccine rollout sa Pilipinas.

“The task force should quickly enter into such agreement with any private business owner or LGU wanting to bring in the jabs,” giit ni Castelo. “Otherwise, achieving herd immunity so we can all return to normal life is asking for the moon.”

Aniya, kung magtutuloy-tuloy ang mabagal na pagbakuna sa bansa ay baka ilang dekada pa ang abutin para maabot ang 70 milyong target ng gobyerno na maturukan.

The post Para maabot herd immunity: COVID bakuna tanggalan ng tax first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/para-maabot-herd-immunity-covid-bakuna-tanggalan-ng-tax/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=para-maabot-herd-immunity-covid-bakuna-tanggalan-ng-tax)