May isa pang pulis na ginupo ng coronavirus disease 2019, kaya 34 miyembro ng kapulisan na ang nasawi.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), Martes, ang pang-34 na yumao ay isang 45-anyos na police commissioned officer.

Samantala, hanggang nitong Marso 15, pumalo na sa 12,343 ang bilang ng mga pulis na nahawa sa coronavirus, kabilang ang 103 bagong kaso.

11,391 pasyente naman na ang nakarekober habang 918 pang parak ang nagpapagaling.

The post Parak na dedo sa COVID 34 na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/parak-na-dedo-sa-covid-34-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=parak-na-dedo-sa-covid-34-na)