Kagabi, umabot na sa full capacity ang Pasay City General Hospital (PCGH) para sa mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19.

Puno na ang 32 COVID-19 beds ng ospital, sabi ni PCGH Officer-in-charge Dr. John Victor De Gracia.

May dalawa pa aniyang pasyente sa emergency isolation rooms at wala nang malipatan.

Kaya naman sinumang dadalhin sa PCGH na nagpositibo sa coronavirus ay ire-refer na sa One Hospital Command Center.

Ayon sa epidemiology and disease surveillance unit ng lungsod, hanggang nitong Marso 18 ay may 838 active cases na sa Pasay, na itinuturing na COVID-19 high-risk area.

The post Pasay hospital apaw na sa Covid patient first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pasay-hospital-apaw-na-sa-covid-patient/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pasay-hospital-apaw-na-sa-covid-patient)