Sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong Marso, nanawagan si Quezon City Rep. Onyx Crisologo sa Kamara de Representantes na aprubahan ang panukalang pagpapautang ng walang tubo sa mga babae na nais na magnegosyo.

Target ng panukalang Women Economic Support Act (House Bill 8567) na matulungang makapagtayo ng negosyo ang mga babaeng solo parents, may kapansanan at kabilang sa pamilya na kumikita ng hindi hihigit sa P16,000 kada buwan.

“In keeping with the Mandate of the Magna Carta for Women, this bill seeks to advance the economic rights of women and further push the gender mainstreaming initiatives of the government through a lending assistance program especially for women in our communities,” ani Crisologo.

Sa ilalim ng panukala, ang mga lokal na pamahalaan ay bubuo ng lending assistance program para tulungan ang mga babaeng nais na magtayo ng negosyo. Ang halaga ng ipauutang ay nakadepende sa pagtataya at rekomendasyon ng opisyal na itatalaga ng lokal na pamahalaan.

Ang mga LGUs ay inatasan din ng panukala na magsagawa ng capacity development trainings upang matulungan ang mga benepisyaryo sa programa sa tamang pagnenegosyo upang magtagumpay ang mga ito.

The post Pautang na walang interes ibigay sa business-minded na babae first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pautang-na-walang-interes-ibigay-sa-business-minded-na-babae/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pautang-na-walang-interes-ibigay-sa-business-minded-na-babae)