Lampas walong bilyong piso ang nilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa COVID-19 response.

Ito’y kahit pa todong bumagsak ang kita nila matapos nilang magsara nang anim na buwan dahil sa anti-coronavirus lockdown sa bansa.

Sa ulat pa ng Radyo Pilipinas, sinabing natulungan ng PCSO ang 788,995 katao sa kanilang charity programs.

Habang 516,099 pamilya naman na binagyo noong nakalipas na taon ang sinaklolohan din ng korporasyon.

Saad pa ni PCSO legislative liaison officer Gay Alvor, nagpapatuloy din ang ahensiya sa iba nilang programa gaya ng pagtulong sa mga hospital fee, dialysis, at pagbili ng gamot.

The post PCSO naglaan ng P8B para sa Covid first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pcso-naglaan-ng-p8b-para-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pcso-naglaan-ng-p8b-para-sa-covid)