“Sana malampasan naming lahat ito.”

Sambit ito ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director-General Wilkins Villanueva nang ianunsiyo niyang nagpositibo siya sa COVID-19.

Kuwento ni Villanueva sa Facebook, habang naghahanda siya para sa Senate inquiry bukas ay nagpa-swab test siya kahapon sa Chinese General Hospital bilang isa itong requirement.

“This morning I received the result. I TESTED POSITIVE,” punto ng PDEA head, Marso 14. Nilakip niya ang larawan ng kanyang test result.

Humingi siya ng tawad sa mga nakasalamuha niya at humiling sa madla na ipanalangin siya at ang iba pang mga indibidwal na nahawa rin sa coronavirus.

“I’m sorry to all the people that I had close contact for the past days. Please take necessary precaution,” sambit ni Villanueva.

“I will be back, isolated lang po ako.”

“Please pray for those who were also tested positive. Sana malampasan naming lahat ito. GOD BLESS US ALL!” dagdag niya.

As I was preparing for the Senate Inquiry on Monday, I took my RT-PCR at the Chinese General Hospital yesterday as part…

Posted by Wilkins Villanueva on Saturday, March 13, 2021

The post PDEA chief sapul ng coronavirus first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pdea-chief-sapul-ng-coronavirus/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pdea-chief-sapul-ng-coronavirus)