Huli sa ikinasang entrapment operation ang isang 39-anyos na miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos mangikil sa isang negosyante sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si Romuel Salmos, 39, ng Barangay Bonfal Proper, Bayombong.

Ayon sa ulat, dumulog sa kapulisan ang hindi pinangalanang babaeng biktima matapos mag-demand sa kanya ang suspek ng P60,000 bilang revolutionary tax noong Lunes, Marso 22.

Sinabihan pa umano ni Salmos ang biktima na mag-check in sa isang hotel.

Nakumpiska sa nagpanggap na rebeldeng NPA ang 60 piraso ng P1,000 boodle money at 15 sachet ng hinihinalang shabu.

Nahaharap si Salmos sa mga kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 at robbery through extortion.

The post Pekeng NPA dakma sa pangongotong first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pekeng-npa-dakma-sa-pangongotong/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pekeng-npa-dakma-sa-pangongotong)