Nakiusap ang tagapagsalita ng Philippine General Hospital sa madla na sumunod sa minimum health protocols gayong hindi pa aniya tapos ang laban ng bansa sa COVID-19.

Sa Facebook, pinabatid ni PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario na muling napupuno ang mga ospital dahil sa paparaming mga coronavirus-positive patient.

“Hospitals are getting full again with Covid 19 cases. Please protect yourself and your family. Follow the minimum health protocols,” sambit ni Del Rosario, Sabado.

Sa hiwalay na post ay binahagi niya ang COVID-19 daily report ng UP-PGH kasama ang caption na:

“The Covid surge is real. Hospitals are admitting more patients. Here are the last 5 days of the Philippine General Hospital. Di pa tapos ang laban.”

Hanggang nitong Marso 10, sa datos ng Department of Health, 13 sa 148 ospital sa Metro Manila na ang nasa critical status sa usapin ng kanilang bed capacity para sa mga COVID-19 patient.

Malaki ang tinaas nito mula sa 4 kritikal na ospital noong Marso 5.

The post PGH spox: Totoo ang COVID surge first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pgh-spox-totoo-ang-covid-surge/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pgh-spox-totoo-ang-covid-surge)