“In about maybe early year [2023,] not in [2022].

Ito ngayon hanggang katapusan ng buwan, paspasan tayo” ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa halos isang taong community quarantine ng bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.

Kasabay nito, sinabi ng Pangulo na malaya ang bawat indibidwal na magdesisyon kung magpapabukana ba sila kontra COVID-19.

“We have to take into account the freedom of an individual on what happens to his body. Nobody but nobody can tinker with him human life kung hindi siya,” ani Duterte sa isang press conference nitong Linggo ng gabi.

Nito lamang Linggo, alas-4:10ng hapon, lumapag sa Villamor Air Base, Pasay City ang eroplanong may karga ng Sinovac vaccine na siyang unang bakuna kontra COVID-19 ng bansa.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/sinovac-covid-19-vaccine-dumating-na-sa-bansa1/

The post PH back to normal na sa 2023 – Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ph-back-to-normal-na-sa-2023-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ph-back-to-normal-na-sa-2023-duterte)