Pinaalalahanan ang publiko na posibleng magkaroon muli ng pag-alburoto ang Bulkang Taal.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, tumataas ang seismic activity sa bulkan gayundin ang paggalaw ng magma na lubhang mapanganib sa mga tao.

Kaya nais panatilihin nito ang hindi pagpasok ng tao sa loob ng Taal Volcano Island.

“Kung sakaling magkaroon ng steam-driven explosion, dahil walang tao mas ligtas sa kasalukuyan. Importante lang na walang lumabag,” ayon kay Solidum sa panayam ng TeleRadyo.

Saad ng Phivolcs director, kailangan na bantayan ang posibleng ibugang magma ng Taal at alamin kung ito’y magiging dahan-dahan o eksplosibo.

Aniya, sa ngayon ay hindi pa nila nakikitang maulit ang nangyari noong 2020. at posible umanong maging mas eksplosibo ang pag-alburoto ng bulkan kapag nakapag-resupply ng magma.

The post Phivolcs nagbabala: Delikado na lumapit sa Taal first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/phivolcs-nagbabala-delikado-na-lumapit-sa-taal/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=phivolcs-nagbabala-delikado-na-lumapit-sa-taal)