Inanunsyo ng Department of Health (DOH) nitong Sabado na may unang kaso na ang Pilipinas ng P.1 COVID-19 variant mula sa Brazil.

Ayon sa DOH, isang nagbalik na overseas Filipino mula sa Brazil ang pasyente at taga-Western Visayas.

Iniimbestigahan pa ang ibang impormasyon tungkol sa kaso.

Kinumpirma rin ng DOH ang bagong COVID-19 variant na P.3 sa Japan sa isang biyahero na nanggaling sa Pilipinas.

Anang DOH, ang P.3 variant ay galing sa pamilya ng B.1.1.28, kung saan din nagmula ang P.1 variant.

Dagdag ng kagawaran, naka-detect ito ng 98 kaso ng P.3 variant.

The post ‘Pinas napasok ng Brazil variant – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinas-napasok-ng-brazil-variant-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinas-napasok-ng-brazil-variant-doh)