Isang Pilipino na nagtungong Japan ang nakapagdala sa naturang bansa ng bagong variant ng coronavirus disease ayon sa health ministry nitong Biyernes.

Anang Ministry of Health, Labor and Welfare, isang 60-anyos na lalaki ang dumating sa Narita airport malapit sa Tokyo noong Pebrero 25.

Nalamang nagpositbo ito sa COVID-19 matapos niyang sumailalim sa quarantine ng naturang airport.

Ayon sa ulat, hindi kapareho ng United Kingdom, South Africa at Brazil ang nakitang strain ng virus sa Pinoy.

Bunsod nito, naanawagan ang National Institute of Infectious Diseases sa mas pagpapaigting ng mga border control measure sa bawat bansa upang maiwasan ang patuloy na paglobo ng kaso ng Covid sa daigdig.

The post Pinoy nagdala ng bagong Covid variant sa Japan – health ministry first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinoy-nagdala-ng-bagong-covid-variant-sa-japan-health-ministry/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinoy-nagdala-ng-bagong-covid-variant-sa-japan-health-ministry)