Sumampa sa 35 nitong linggo ang COVID-19 death toll sa Philippine National Police (PNP).

Pinakabagong ginapi ng virus ay isang 54-anyos na pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sa inilabas na pahayag nitong Sabado, sinabi ni PNP officer in charge Lt. Gen. Guillermo Eleazar na pumanaw ang pulis noong Marso 18 sa V. Luna Medical Center (VLMC) sa Quezon City.

Ani Eleazar, dalawang linggo bago ang pagkakaospital ng pulis, nagkaroon ito ng lagnat at ubo pero Marso 18 ay nahirapan na itong huminga kaya na-confine sa VLMC.

“Around 11:30 a.m. of same date, he presented without cardiac tone and blood pressure, and CPR was performed to no avail. He was pronounced dead by the attending physician at 11:59 a.m, March 18, 2021,” saad ng PNP OIC.

“The police officer was subjected to a swab test upon admission on March 18, which resulted POSITIVE for COVID-19,” dagdag niya.

Sa ngayon ay 1,239 ang active case sa PNP.

The post PNP COVID death toll umakyat sa 35 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnp-covid-death-toll-umakyat-sa-35/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pnp-covid-death-toll-umakyat-sa-35)