Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa lahat ng pulis na kapag may lagnat, ubo o trangkaso ay agad magpakonsulta sa ospital at magpa-swab test.

Kasunod ito ng pagpanaw ng isa pang pulis dahil sa COVID-19 na nagpaakyat sa PNP death toll sa 35.

Ayon kay PNP officer in charge Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, isang 54-anyos na pulis na nakatalaga sa Metro Manila ang pumanaw dahil sa virus sa V. Luna Medical Center (VLMC) sa Quezon City noong Marso 18.

Nagkaroon umano ng lagnat at ubo ang naturang pulis at nag-self medication ng paracetamol, dalawang linggo bago ito pumanaw.

Marso 18 dinala ito sa VLMC matapos mahirapang huminga at bandang alas-8 ng umaga ay sinailalim siya sa COVID test, kalaunan ay lumabas na positibo siya.

Kaya naman nanawagan si Eleazar sa mga pulis na agad magpakonsulta kapag may mga sintomas ng COVID-19 tulad ng lagnat, ubo o trangkaso at nagbabala laban sa self-medicatiion.

“I would like to reiterate to all our police officers that if you have fever, cough or flu immediately submit yourself to the nearest hospital and have your swab tests done, we are still battling the unseen enemy, always be cautious on your health status and do not do self-medication,” pahayag ni Eleazar nitong Sabado.

The post PNP nagbabala laban sa self-medication first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnp-nagbabala-laban-sa-self-medication/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pnp-nagbabala-laban-sa-self-medication)