Umapela si Senadora Grace Poe sa ehekutibo na pakinggan ang apela ng mga rice farmer at livestock raiser na bigyan ng suporta ang mga ito.

Ang tinutukoy aniyang suporta ay hindi sa pamamagitan ng pagbaba ng taripa sa bigas at baboy na magbubukas sa pagdagsa ng mga import at makakasira sa lokal na produksiyon nito.

“African swine fever (ASF) wiped out pig farms in most of Luzon with big conglomerates now stepping back. How will local production recover if we flood the market with imports without the necessary assurance that pork and pork products that are sold in the market are free of the disease?” tanong ni Poe.

Ayon kay Poe, walang kakayahan ang Department of Agriculture sa paghawak ng ASF na ngayon ay umabot sa Visayas.

“It was the DA that petitioned the Tariff Commission (TC) to lower tariffs on pork and rice despite the objections and the strong arguments against it from hog raisers and rice farmers. After failing to hear them out, the DA didn’t even have the research to support the lowering of tariffs or explain its proposal during the hearings,” sabi ni Poe.

Nagsagawa ng pandinig ang TC sa pagbaba ng taripa sa pork at rice import noong Pebrero 4. Walang inilabas na presentasyon ang DA na magpapaliwanag kung bakit ibaba ang taripa sa bigas at ang Department of Finance (DOF) pa ang nagpaliwanag kung bakit kailangang gawin ito.

“What is the DA’s motive for lowering rice tariffs when we are expecting a bumper harvest? Bababa ba ang presyo ng bigas para sa mga kababayan nating inuutang na ang pambili nito makakain lang?” tanong ng senador.

“Is depressing palay prices the objective because lower palay prices do not always result in lower rice prices for consumers? Kasama sa pangako nang ipinasa ang Rice Tarrification Law na bababa ang presyo ng bigas,” dagdag pa nito.

The post Poe sa Palasyo: Mga magsasaka, magbababoy pakinggan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/poe-sa-palasyo-mga-magsasaka-magbababoy-pakinggan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=poe-sa-palasyo-mga-magsasaka-magbababoy-pakinggan)