Lumalapit na umano ang presyo ng galunggong sa baboy pero kakarampot pa rin ang kinikita ng mga mangingisda.

Ayon kay dating Anakpawis Rep. Fernando Hicap, national chairperson ng Pamalakaya nasa P280 na ang kada kilo ng galunggong at dapat ng magtakda ng price ceiling ang gobyerno.

“The once poor man’s fish is unaffordable to the poor any longer. Its recent price surge adds another burden to poor consumers who are already bearing the brunt of food and commodity price hikes,” ani Hicap.

Ayon kay Hicap kung sa palengke ay P280 ang presyo ng kada kilo ng galunggong, ang farm gate price nito ay P60 lamang kada kilo kaya hindi rin sa mga mangingisda napupunta ang itinataas ng presyo.

“There is clearly a manipulation of its market price,” ani Hicap.

Bago makarating sa palengke, ipinapasa umano ang mga huling isda ng apat o limang beses kaya tumataas ang presyo nito. Kailangan umano ang price cap upang masawata ang iligal na manipulasyon ng presyo.

“We call for immediate and decisive government action on this unreasonable inflation of one of poor Filipinos’ staple fish products,” dagdag pa ni Hicap.

The post Price cap sa presyo ng galunggong hiniling first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/price-cap-sa-presyo-ng-galunggong-hiniling1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=price-cap-sa-presyo-ng-galunggong-hiniling1)