Hindi na raw kailangan ng pribadong sektor na mag-donate ng COVID-19 vaccines sa pamahalaan, bukod sa isang brand.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion, hindi na kailangan ng mga pribadong kompanya na mag-donate sa gobyerno ng mga bakuna na mabibili nila, maliban sa AstraZeneca.

Ni-require kasi ng AstraZeneca ang pribadong sektor na bayaran ang bakuna at i-donate ang kalahati ng suplay sa pamahalaan.

“For Moderna, Novavax, and Covaxin, which we are also helping under Go Negosyo Dose of Hope, no need to donate,” ani Concepcion sa GMA.

“In the case of AstraZeneca, [they] had a no profit program this is why a dose was at $5. We wanted to help the government medical frontliners and this is how we crafted the first tripartite agreement. And yes, it (still) stands,” dagdag niya.

Una nang naglaan ang pribadong sektor ng P120 milyon para makabili ng 450,000 doses ng AstraZeneca bakuna. Ang kalahati sa mga doses ay ido-donate sa gobyerno at ituturok sa mga tao na pipiliin ng pamahalaan.

The post ‘Private company no need mag-donate ng bakuna sa gov’t, bukod sa 1 brand’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/private-company-no-need-mag-donate-ng-bakuna-sa-govt-bukod-sa-1-brand/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=private-company-no-need-mag-donate-ng-bakuna-sa-govt-bukod-sa-1-brand)