Binigyan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng go signal si vaccine czar Secretary Carlito Galvez para payagan ang pribadong sektor na bumili ng sarili nitong COVID-19 vaccines.

Sa kanyang regular Talk to the People, sinabi ng Pangulo na pinapayagan na ang pribadong sektor na bumili ng bakuna kahit ilan, dahil ang gobyerno ay mayroong limitasyon sa pagbili ng bakuna.

“I have ordered Secretary Galvez to sign any and all documents that would allow the private sector to import at will, maski ilan ang gusto nilang ipasok okay sa akin ” anang Pangulo.

Marami aniyang mga kumpanya ang gustong bumili ng bakuna para sa kanilang mga empleyado para magtuloy-tuloy ang pagbubukas ng ekonomiya.

Sinabi ng Presidente na maraming pabrika ang nagsara dahil marami sa kanilang mga manggagawa ang hindi makapasok dahil sa COVID-19.

“Yung mga factories nila walang trabahante because maraming restrictions sa mobility ng tao. There are so many restrictions and workers come from all places,” dagdag ng Pangulo.

The post Private sector pwede na mag-import ng COVID bakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/private-sector-pwede-na-mag-import-ng-covid-bakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=private-sector-pwede-na-mag-import-ng-covid-bakuna)