Dapat umanong bisitahin ng gobyerno ang polisiya nito kaugnay ng pagpilit sa mga kompanya na ibigay sa gobyerno ang bahagi ng COVID-19 vaccines na binili nito.

Ayon kay Deputy Speaker at Manila Rep. Bienvenido Abante hindi lahat ng kompanya ay may kakayanan na bumili ng bakuna na doble ng bilang ng mga empleyado nito.

Kung tutuusin ay nakatulong na umano ang mga kompanya kung mabibilhan ng bakuna ang kanilang mga empleyado dahil hindi na sila poproblemahin ng gobyerno.

“By vaccinating their employees, these companies already contribute to our vaccination campaign. But I have received reports of companies backing out of plans to do so because they cannot afford to donate additional vaccines to the government,” ani Abante.

Naniniwala si Abante na mas maraming kompanya ang lalahok sa pagbili ng bakuna kung hindi oobligahin na i-donate sa gobyerno ang bahagi ng kanilang aangkatin.

“At this point any help the government can get in its efforts to vaccinate our people should be welcomed with open arms. In my view this should be incentivized, not discouraged,” dagdag pa ng solon.

Tutol din si Abante sa draft proposal ng Department of Health na pagbawalang bumili ng bakuna ang mga ‘sinful’ companies gaya ng alak at sigarilyo.

“Kung makakatulong sila mag-vaccinate ng ating mga kababayan, bakit ba natin pagbabawalan? As they say in the Good Book, damn the sin, not the sinner,” wika pa ni Abante.

The post Private sector ‘wag pilitin mag-donate ng bakuna – solon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/private-sector-wag-pilitin-mag-donate-ng-bakuna-solon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=private-sector-wag-pilitin-mag-donate-ng-bakuna-solon)