Tigil ulit ang ensayo ng Gilas Pilipinas dahil sa lumalalang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Sa report ng Spin.ph, sinabi na nakatakdang buwagin ang training camp ng Gilas sa Laguna matapos na muling ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus area.

Ito’y kasunod nang pag-abot sa lampas 9,000 COVID-19 case kada araw dahilan para umabot ang active case sa lampas 100,000.

Matatandaan na inanunsyo ng Philippine Sports Commission (PSC) na suspendido muna ang training sa lahat ng national athlete sa ilalim ng ECQ.

Nag-eensayo ang Gilas para sa parating na huling window ng Fiba Asia Cup qualifiers, gayundin sa Olympic Qualifying Tournament.

Wala pang nilalabas na pahayag ang Samahang Basketbol ng Pilipinas kung anong magiging susunod na aksyon sa muling pagkaantala ng training ng national team.

The post Purnada ulit dahil sa COVID! Mga Gilas player papauwiin na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/purnada-ulit-dahil-sa-covid-mga-gilas-player-papauwiin-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=purnada-ulit-dahil-sa-covid-mga-gilas-player-papauwiin-na)