Nakaabot na hanggang Cavite ang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19, bukod sa Lungsod ng Maynila at Quezon City.

Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na siya ring hepe ng One Hospital Command sa harap ng patuloy na pagtaas ng COVID cases sa bansa.

Sinabi ni Vega na dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ay tumataas na rin ang paggamit ng isolation beds at COVID wards sa mga hospital sa Metro Manila.

“Nakakalungkot dahil 53% ho ng active cases ay nasa NCR- so Manila, Quezon City at saka Cavite, ito yung tumataas ngayon,” ani Vega.

Hindi naitago ng opisyal ang pagkabahala sa mabilis na pagtaas ng COVID cases lalo na sa Metro Manila dahil nasa critical level na aniya ang hospital bed capacity sa mga pagamutan.

Nananatili aniyang nasa high risk category sa COVID-19 ang lungsod ng Taguig at Makati subalit umaasang mapapahupa ito dahil sa ipinatupad na paghihigpit ng mga lokal na pamahalaan.

“Nakakaalarma kasi may mga areas lalong lalo na sa Manila,Quezon City, Taguig ang Makati, nasa high risk category na po sila. So more than 70% na ang usage nila , may iba umaapak na sa 83%,” dagdag ni Vega.

The post QC, Manila, Cavite sumisirit COVID positive first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/qc-manila-cavite-sumisirit-covid-positive/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=qc-manila-cavite-sumisirit-covid-positive)