Nilantad ni Rachel Alejandro ang tunay na meaning ng kanyang hit song na ‘Paalam Na’.

Sa interview ng ‘Between You and Jojo’ ng Abante Radyo Tabloidista, sinabi ni Rachel na ang naturang kanta ay nagmula pala sa kay Dingdong Avanzado, kanyang dating boyfriend.

Sey ni Rachel, ang naturang kanta ay isang letter na binigay sa kanya ni Dingdong matapos silang maghiwalay.

“He wrote that as a farewell song… ‘yung kanta na ‘yon sinulat niya as a letter, an actual farewell letter,” lahad ni Rachel.

“Yung English niyang goodbye letter sa akin, sinulat ko into Tagalog at ginawa kong tula, at binigay ko sa kanya, sinabi ko kung magagawan mo ba ito ng melody,” aniya pa.

Kahit pa nagkahiwalay sina Rachel at Dingdong, nanatili silang magkaibigan at nakakapag-collab pa hanggang ngayon.

“We were able to record even a duet version of ‘Paalam Na’ which was released last year digitally,” saad pa ng singer.

The post Rachel: ‘Paalam Na’ totoong goodbye song ni Dingdong first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rachel-paalam-na-totoong-goodbye-song-ni-dingdong/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=rachel-paalam-na-totoong-goodbye-song-ni-dingdong)