Kahit pa isinailalim sa lockdown ang NCR Plus, mananatiling Marso 31 ang deadline para sa pagpaparehistro ng mga political party at partylist groups upang makalahok sa eleksiyon 2022.

Ayon kay Commission on Elections spokesperson James Jimenez, ang mga partido ay pwedeng mag-email ng kanilang petisyon sa clerkofthecommission@comelec.gov.ph hanggang alas-5 ng hapon, Marso 31.

Pero kailangan din nilang magpadala ng hard copies ng lahat ng kanilang filings, kasama ang opisyal na mga resibo ng mga required fee, sa pamamagitan ng registered mail o courier service hanggang Marso 31.

Una nang sinabi ng Comelec na ang pagsasampa ng certificate of candidacy ay magpapatuloy sa Oktubre.

The post Registration deadline ‘di babaguhin ng Comelec first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/registration-deadline-di-babaguhin-ng-comelec/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=registration-deadline-di-babaguhin-ng-comelec)