Bakit kaya biglang sumama ang tingin ni Chiz Escudero sa kanyang misis?

Sa TikTok video ni Heart Evangelista, tila todo birit ito at damang-dama ang kantang ‘We Belong Together’ ni Mariah Carey.

Sa una ay okay pa si Chiz, ngunit nang ma-realize na isa pala itong kanta tungkol sa break-up ay biglang nag-iba ang timpla ng mukha nito.

Syempre’y joke lang ang naturang video at nakikisakay lang ang dalawa sa trend ng TikTok.

Marami naman ang naaliw sa power couple, na nakakuha na ng 19,000 likes at 2,100 retweet sa Twitter.

The post Relate sa break-up song? Heart ‘buking’ ni Chiz first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/relate-sa-break-up-song-heart-buking-ni-chiz/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=relate-sa-break-up-song-heart-buking-ni-chiz)