Sumailalim ngayon si Senadora Risa Hontiveros sa quarantine matapos siyang may makasalamuhang positibo sa COVID-19.

Sinabi ni Hontiveros na naimbitahan siya sa isang show para sa Women’s month.

Ang host ng naturang show ay nagpositibo sa COVID-19 noong March 12.

Dagdag ng mambabatas, nagpa-test na siya at negatibo naman ang naging resulta, ngunit pinili pa ring mag-quarantine ng 14 araw.

The post Risa Hontiveros na-expose sa COVID positive first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/risa-hontiveros-na-expose-sa-covid-positive/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=risa-hontiveros-na-expose-sa-covid-positive)