Ngayong patuloy ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, sinabi ni Vice President Leni Robredo na kailangang magkaroon ng ikatlong stimulus package para sa mga nawalan ng trabaho at kita sa gitna ng pandemya.

“‘Sumunod na lang kasi kayo.’ Madali lang ito sabihin if you are speaking from a position of privilege. Pero kung wala ka nang ipapakain sa pamilya mo, lalabas ka pa din kahit nakakatakot,” banggit ng Bise sa Facebook, Linggo.

“Stimulus package, please 🙏 Ayuda para sa mga nawalan ng trabaho at kita. Hindi sapat yung binigay natin dati,” aniya pa.

Maganda aniyang halimbawa sa kanyang pahayag ang bansang Malaysia.

“Naging sobrang masama din yung cases nila when they started to reopen. But they were able to arrest the situation. Maraming ginawa to achieve this. Isa doon, 6 nang stimulus packages yung naibigay nila,” sabi ng VP.

Magugunitang nagpasa ang gobyernong Duterte ng Bayanihan 1 at 2 para bigyang-ayuda ang mga sektor ng kalusugan, ekonomiya, at iba pang hinagupit ng pandemya.

Pero ayon kay palace spokesperson Harry Roque, “hindi sure” ang mga economic manager kung kailangan pa ng Bayanihan 3 kasi “25 percent of Bayanihan 2 still has to be spent.” Ang Bayanihan 2 ay tantyang nagkakahalagang P165 bilyon.

Samantala, naniniwala si Robredo na “huge” ang kinahaharap na problema ngayon ng bansa kaya kailangan itong lutasin “collectively.”

“Huwag sana masamain ang suggestions,” banggit niya pa.

Sunday suggestions.

1. 7,999 cases yesterday at 15.7% positivity rate and 2.03 reproduction number. I hope we are…

Posted by Leni Gerona Robredo on Saturday, March 20, 2021

The post Robredo habang may Covid surge: Stimulus package, please first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robredo-habang-may-covid-surge-stimulus-package-please/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=robredo-habang-may-covid-surge-stimulus-package-please)