“Dapat nga tayo iyong example. Walang excuse kasi wala namang na-e-excuse sa virus, ‘di ba? So dapat talaga kung ano iyong policy on the ground, sumunod tayo” – ito ang hirit ni Vice President Leni Robredo kaugnay sa isyung paglabag ni Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas sa health protocol nang dumalaw siya sa Oriental Mindoro.

Ani Robredo, dapat responsibilidad ng isang tao ang tiyakin niyang hindi siya carrier ng COVID-19.

“Gaya ng sabi ko, responsibility natin na hindi tayo carrier eh. Again, maraming mga circumstances na hindi natin kotrolado pero iyong mga kontrolado natin, iyon iyong gawin natin,” wika ng VP sa kanyang lingguhang radio show.

Kaugany nito, sinabi ng VP na nawa’y maging aral si Sinas sa publiko na maging responsable.

Dipensa ni PNP spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana, sumusunod naman sa mga ipinatutupad na mga safety protocol ang hepe at nagkataon lang na nasapul siya ng virus.

“Everytime our chief moves po, he never fails to take the swab test. He wears face mask and shield. He has his alcohol with him. He requires all other offls [officials] joining him to do the same,” anang spox sa isang text message.

“But virus is everywhere po. Even member/s of some royal families tested positive fm the virus. Nobody really is exempt from COVID19,” hirit pa niya.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/sinas-pasaway-di-dumaan-sa-covid-screening-sa-oriental-mindoro-provincial-gov/

Sinas sinunod mga health protocol sa Oriental Mindoro – PNP spox

The post Robredo kay Sinas: Dapat tayo good example sa publiko first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robredo-kay-sinas-dapat-tayo-good-example-sa-publiko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=robredo-kay-sinas-dapat-tayo-good-example-sa-publiko)